TAAL VOLCANO – DIY TOUR

TAAL DIY TOUR

An island within a lake within an island within a lake within an island.

Gusto ko lahat maayos at pulido ang plano. Dahil bukod sa birthday climb ko ito, may special guest pa kaming kasama na fresh from Germany. Kaya lahat ng facebook friends ko na may Taal Tour experience eh minesage ko talaga agad para sa tips and insights nila.

Two weeks bago pa ang lakad namin tinawagan ko na si Kuya Rico. Salamat sa recommendation ng friend ko na si Chirs at nakahanap ako ng matinong guide para sa trip na ito.

Nung una 5 palang kami na confirmed, nag offer si kuya rico na tricycle nalang daw sakyan namin papunta sa jump off for 500php. Pero eventually, nag confirm na din yung couple na kaibigan namin kaya final count 7 na kami. Ang saya. Nag decide si kuya Rico na mag jeep nalang daw kami from Tagaytay-Talisay sa presyong 1000php roundtrip.

So nung May 07, Sabado. Nag decide kami na ang call time ay 04:30am kaso yung mga oras na yun eh paalis palang kami ng bahay. Nakarating kami sa meet up point ng 05:00am, halos magkakasunod lang naman kami dumating ng mga kaibigan ko. (Michael, Celine, Drew, Audrey, Jayvee).

Nag short breakfast na muna kami sa Jollibee bago umalis. Yung iba yata sa mga kasama ko eh college days ko pa huling nakita which is 4years ago na. Buti nalang pumayag talaga sila na sumama sakin at maki-celebrate sa birthday ko. Yehey!

After breakfast, dumiretcho na rin kami sa Balibago-Complex Terminal at sumakay sa byaheng “Tagaytay”. 06:30am na rin nung nagsimula yung byahe namin, isang oras din halos yung byahe.

Sa Tagaytay Public Market kami bumaba. Tapos saka ko na tinext si Kuya Rico, doon din kasi yung pick up point namin. Dumating naman sya agad at dahil ako naman yung contact nya, more chikahan na kami sa mga ganap ng araw na yun. At sinabi nya nga na 6am palang daw eh nandun na sila.

Dumiretcho kami sa Jeepney na nirentahan namin, Si Kuya Rico ang guide tapos yung bayaw naman nya ang driver namin. Hindi na kami nag sayang ng oras dahil sumikat na si haring araw. Tinanghali na kami sa dapat sana e simula na ng trek namin.

Excited kami lahat, lalo nako syempre.
Nalaman ko na Fan pala ng Jeepney yung guest namin. Dun din kasi kilala ang Pinas e, sa makukulay at kultura ng Jeep natin.

Habang nasa byahe na kami papuntang Talisay Batangas, medyo naloka ako talaga, Zigzag tapos steep pa yung daan. Lahat kami todo kapit sa jeep kasi feeling namin anytime masusubsob kami sa unahan o kaya mahuhulog kami sa inuupuan. Tawa nalang kami ng tawa at ineenjoy yung moment na yun.Hanggang sa yung iba nanahimik nalang kasi nahihilo na sila. Nabanggit sakin ni Kuya Rico noon na ang dadaanan daw naming ay yung “Sungay na Daan”. Grabe pangalan palang matatakot ka na.

FB_IMG_1497114689743

Buti nalang at nag offer si kuya na mag jeep kami. Imagine kung sa tricycle kami nakasay puno kami dun, tapos ganon pala katarik yung daan. Stress siguro kami lahat nun. Kaya salamat sa advice ni Kuya Rico. Pwede nyo nga pala sya ma-contact thru: 0928-959-1169. Maasahan yan si kuya, palangiti at sobrang bait pa. Ikamusta mo ako kapag sya ang nagging guide nyo ha! 🙂

Syempre nandun na kami sa moment na yun hindi na namin pinalagpas yung mga nakita naming magagandang spot. Nagstop over muna kami sa highway, kung saan abot tanaw na namin yung aakyatin namin.

FB_IMG_1497121183413
Photo by: Michael Milan
IMG_4197
Photo by: Jens A.

IMG_4207

IMG_4200

IMG_4204

Bigyan ko pala kayo ng insights tungkol dyan.
Madalas kapag nasa tagaytay tayo, ang lagi nating sinasabi na Taal Volcano eh yung mga nakita nyo sa picture sa taas. 9 out of 10 siguro sa mga natanungan ko eh yan din ang sagot nila. Pero hindi, Binintiang Malaki talaga siya. Isa lang yan sa 47 cones and craters ng Taal Volcano.

taal
Source: Wikipedia

Taal Volcano – 311MASL ang taas nito, 2nd most active volcano sa Pinas, at recognized as the smallest active volcano in the world.
Taal was once a colossal volcano rising to 5,800meters – 2/3 the height of Mt.Everest. This is the reason why at the summit of Taal, you would see a circle of highlands: (Tagaytay, Mt.Maculot, Mt.Malipunyo, Mt.Makiling.)

Some of these mountains once formed an outer rim of the grand mountain, once the highest peak in the whole Southeast Asia.
Amazingly, there is an island in the crater lake, called Vulcan Point.
It is thus an Island within a lake within an island within a lake within an island makes it unique and fascinating thousands of tourists and scientists – yearly.
(Source: Gideon Lasco)

30mins din yung tagal ng byahe namin, pagdating sa jump off sa talisay nag stay muna kami sa isang area na may mga kubo. Pwede ka din doon um-order ng breakfast o kaya lunch after nyo mag trek. Doon na din namin iniwan yung mga gamit namin sa hall na meron sila, nagpalit muna kami ng damit tapos nag ayos ng kaunting mga dadalhin. Pack light daw kapag hiking bes. Inaantay nalang din namin dun yung Bangka na sasakyan namin patawid sa isla.

FB_IMG_1497114612330FB_IMG_1497114630680FB_IMG_1497114622155FB_IMG_1497114626238

Sinabihan kami ni kuya Rico na doon kami sasalubungin ng guide namin sa trekking. Hindi na kami napatumpik tumpik pa, kaya gorabels na sa Bangka.
30minutes din halos inabot yung boat ride. 1,500php good for 7pax.

FB_IMG_1497114769108

IMG_4226FB_IMG_1497114635030FB_IMG_1497121201003IMG_4238

Dumiretcho na kami sa Tourism office para magbayad ng 100php/head na registration fee.
Konting photo ops, tapos simula na agad ng trek.

FB_IMG_1497114708743

Maalikabok sa trail kaya maraming mag aalok sayo ng mask at kung ano ano pa.
Pero nainform nako ng friend ko na si Sarah sa mga eksena dun. Kaya nakapag handa ako at may mga dala na kaming scarf at mga panyo. Wala rin namang masama kung bibili kayo sa kanila, dagdag kita na rin para sa mga local dun. Kaso tipid trip lang ito kaya minabuti nalang namin na magdala.

Mahirap din sya bes, kasi init ang kalaban mo. Okay sana yung init ng araw, feeling mo nagpa-tan ka, Kaso isama mo pa yung init ng singaw ng bulkan. Kalerks yun ha!
May mga nadaanan kaming open holes na nag e-emit ng sulfur and steam.

IMG_4290
Photo by: Jens A.

FB_IMG_1497114755752FB_IMG_1497114759170

IMG_4339
Photo by: Jens A.

FB_IMG_1497114744986

IMG_4365
Photo by: Jens A.

Worth it ang pagod at pawis (isama mo na ang sunburn) nung nasa summit na kami. May maliit na tindahan dun sa taas para sa refreshments at syempre mga souvenirs.

 

C360_2017-06-11-03-37-54-402
Photo by: Jens A.

FB_IMG_1497115028551

May Red Lava kemerut din doon, photo ops din. Konting lakad at akyat lang ulit.
kailangan mo lang magbayad ng additional 50php.
(Medyo nadismaya nga ako kasi tatawid ka lang naman ng konting lakad, ni wala nga silang logbook doon o resibo.Tapos sinabi ko pa kay kuya na samahan kami dun, sabi pa nya “kailangan ko pa kayo samahan?”, eventually sinamahan nya na rin kami. Kaso wala man lang chika si kuya sa amin, hindi tuloy namin nalaman kung anong meron bukod sa pulang lupa. O kahit short history man lang sana para legit ang source natin at ma-i-share ko rin sana dito. Kaso wala e.

FB_IMG_1497114730061

Optional ito, pero dahil nandun na kami push lang. Pwede ka din mag golf experience dun, kaso nakalimutan ko ang konsepto na may ganon nga pala. Hindi tuloy namin nasubukan.

Tanghaling tapat na nung nag decide kami na bumaba. Dala na rin ng gutom, mejo hilo dahil sa init talaga.

FB_IMG_1497121265816
Photo by: Michael Milan
FB_IMG_1497114726237
Photo by: Michael Milan
FB_IMG_1497114721951
Photo by: Michael Milan

FB_IMG_1497114715814

FB_IMG_1497114700203
Photo by: Michael Milan

After ng trek at nakabalik na kami sa jump off. Nag wash up muna kami dahil balot na kami ng alikabok plus pawis, nandun na din si kuya Rico at yung jeep na sasakyan namin pabalik ng tagaytay.

Yes!!! Bulalo party na ito pagtapos. Sa Mer-Bens kami kumain, winner dito ang Tapsilog nila, plus mainit na sabaw ng Bulalo, at syempre Tawilis!

FB_IMG_1497114697008

EXPENSES:
(From Tagaytay)

Chartered Jeepney: 1,000php
Chartered Boat: 1,500php
Guide Fee: 500php
Entrance Fee: 100php/pax
Red Lava Entrance Fee: 50php/pax
Tip (Kuya Rico): 500

640php/head (for a group of 7)

Oh diba, sa halagang 650pesos! Sulit na sulit ang gala mo!

ITINERARY:

05:00 Call Time – Meet up point (Jollibee-Balibago Complex)
06:30 ETD Balibago to Tagaytay Public Market
07:15 Arrival Tagaytay – Meet kuya Rico
08:15 ETD Tagaytay – Talisay Batangas (Arrange for pumpboats/guide)
08:45 Arrival, Lakeshore resort -Jump off
09:30 Start Boat Ride
10:00 At Volcano Island, Start trek to summit
10:45 ETA Summit, Photo ops, Rest
11:30 Start descent
12:00 ETA Boat ride back to jump off to Talisay
12:20 Back at base Talisay, Wash up
01:30 ETA Magallanes, Lunch at Mer-Bens (Bulalo Sessions)
02:30 Head back to Santa Rosa
03:30 ETA, Santa Rosa

PS. Naging reference ito ni Nas Daily nung nag Taal Tour sila! Eto ang appreciation video nya dahil sa helpful advice na ito. Salamat na rin kay Sandy dahil sya naman talaga ang nag initiate nito!

Sheila Mae CT – Nas Daily in Taal 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: